Alam ko na apektado tayong lahat sa mga tweets at Facebook statuses nina Ms. Happee at Sir Vernon. Nakakapikon naman kasi talaga yung nangyari. Hindi lang sa part ng PULP kundi para na din dun sa mga nanuod talaga. Totoo na ang unang tingin ko is naging NINGAS KUGON na naman yung marami. Like ng like pero hanggang plano lang pala. Ang unang dating sakin, hanggang salita lang yung mga nagsabing gusto nila ng SS3 3D dito sa Pinas.
Totoo, matinding pressure yung nanggagaling sa organizers. Iba yung dating ng tweets. Iba yung epekto. Kung debate to at nirebutt sila, Ad Misericordiam at Ad Baculum na ang nako-commit nila.
Pero BUSINESS IS BUSINESS. And hindi ako sumisipsip, pero sabi nga ni Apple, may karapatang magalit si Vernon Go dahil siya yung nagbayad ng lahat.
Although I can’t be sure… Mula SS2 hanggang SS3, pati itong SS3 3D… Hindi naman tayo sigurado kung walang nawalang pera sa PULP. I mean, oo, jampacked ang Araneta pero hindi natin kasi nakita na ang dami pa ring black holes. Kaya hindi natin alam kung talaga bang kumita ang PULP sa concerts na yon, o sadyang pinagbigyan lang tayo dahil gusto nating makapunta ang SJ dito.
Isa pa, alam na natin even before the album launch na magkakaroon ng provincial screenings. Alam nating kailangan nating mag-ipon, dahil hindi pa man naaannounce ang provinces, alam na natin na meron non.
Pero nung na-release ang dates at venues, nag-flop. Sinong di maiinis? Kung naglabas ka ng milyon para sa events na yun, dahil naniwala kang may market? Kung umasa ka na malaki ang chances na magka-SS4 dito dahil naniwala ka ring may market?
Oo, andun nako sa magkaiba yung dalawang events. Kung pwede lang talagang ipagpilitan sa PULP na kung ipupush-thru ang SS4 Manila at last stop, matutuwa ang Department of Tourism satin dahil sa dami ng international fans sigurado.. gagawin ko eh. Kaso pano nila gagawin ang isang bagay, kung wala silang capital para don?
Kung ganon man ang tweets nila, hindi ba parang marketing strategy lang naman yun? Nakakapikon, oo. Pero kasi, pwedeng challenge yun e.
Kaya hindi ko masisisi ang PULP kung ganon ang nirerelease nilang statements. At kahit nasaktan ako sa mga sinabi ni Vernon Go, hindi ko kayang magalit…
Dahil ginawa ko din yon.
Yes, I am guilty as charged. I played the blame game. Andami kong sinabi para i-pressure ang mga taong hindi nanood sa Manila at mga taong manonood palang sa Davao, Ilo-Ilo, at Pampanga.
Pero nung nag-reply sa kin si Lee at tinapat akong nakakairita na, naisip ko kung gano katinding pressure yung idinagdag ko sa kanila. Siguro dahil parang kapatid ko na yung mga taga-Davao kaya ako naapektuhan ng husto sa ginawa ko. Ang selfish ko pala. Dun ko naisip na walang pwedeng sisihin kundi yung pagkakataon.
Hindi madali magproduce ng 1,000. Lalo pa't kakatapos lang ng 5jib album launch dito sa Pinas at may GDA tayong inilalaban. Tapos sembreak pa. Naiintindihan ko na hindi lahat ng fans sa Pinas, may trabaho.
Parehong side, may mali. Ako (or kami kung may nakakarelate man sakin), dahil dumagdag ako sa pressure at itinaas ko ang sarili ko; at yung mga hindi pa nanunuod dahil hindi nila inisip yung responsibility na pwedeng dalhin nung pag-Like.
Kung may napressure man, sorry. It's just that we're losing it already. Ewan ko sa ibang nagsasabing hindi na dapat pumunta ang SJ dito dahil dalawang beses na silang pumunta (SORRY, SA MGA TAONG TO KASI, WALA TALAGA HO AKONG PASENSYA), pero alam naman ng marami kung bakit kailangan natin ang SS4 Manila. Hindi lang para satin, kundi para sa ibang international ELF din na Pilipinas lang yung chance para mapanuod ang SJ....
Tapusin na natin yung blame game. Nakakita ako ng nagsosorry kanina on Twitter. Kaya eto, nagsosorry din ako. Dalawa lang kaming nag-take ng first step to reconciliation. Sana we speak for the majority. Tama na yung sisihan. Tama na yung gulo.
Ang pressure galing sa PULP, andyan lang yan. Mabigat, SUPER BIGAT.
But the best way to handle it eh yung pare-pareho nating dalhin. Walang iwanan sa ere. Let’s come united.
Nonetheless, hindi ko sasabihin na okay lang na hindi bumili ng tickets for SS3 3D. Kung kaya naman kasi, gawan natin ng paraan. For example, kung may tig-200 kayo to spare, pagsama-samahin tapos mamili ng isang pwedeng manuod. O kaya, bumili pero ibenta ng mas mababa. (I know these suggestions are crazy, pero it’s the best thing we could do.)
Tapos eto: Kung nag-iipon kayo for SS4 Manila, eh parang awa niyo na... Bawasan niyo yung ipon niyo dahil hindi mangyayari yung pinag-iipunan niyo kung hindi tayo magsasucceed sa SS3 3D.
Ngayon, kung hindi talaga kakayanin na makapanuod kayo, please ask other people to watch. Kung may kaibigan kayo na pera na hindi manunuod dahil hindi kayo kasama, please, itulak niyo sa sinehan. hahaha!
May ilang araw pa tayo to push things through. It's a do-or-die situation. Kayanin natin… then whatever happens, at least, we can say that we did our best at hindi tayo nag-away away diba?
So ayun. J Sana naliwanagan lahat. J