Kagabi, sinubukan akong tawagan ng kaibigan ko; kaso hindi ko hawak ang cellphone ko buong araw kaya gabi ko na napansin. Nung nagtext ako kung bakit, isang nagpapanic na reply ang natanggap ko. Nakatanggap raw siya ng isang pambwisit na text tungkol kay Jungsu at syempre, kaming mga stans ng lider ang una niyang tinawagan.
Hindi ko malagay dito yung mismong mensahe kasi nasa English. Pero ang direct translation:
"Wala na si SJ Leader Leeteuk. 12:45KST. Carcrash sa SG."
Sa simula't simula, alam kong imposible. Pero para don sa kaibigan kong hindi naman stan ng SJ, kinabahan siya. Halos nanginginig na raw siya sa bus habang pauwi kaya tinatawagan niya kami. E kaso nga, hindi kami sumasagot kaya akala niya totoo.
Hinde, hindi sa madali siyang mapapaniwala. Madaling maintindihan yung reaksyon niya dahil hindi naman siya talaga fan ng lider. Nung nabasa ko yung mensahe, alam ko naman agad na di totoo.
Pero yung dugo ko, umakyat hanggang ulo.
Hindi nakakatuwa ang balitang ipinakalat kagabi. Kung si Lee Hyori nga, badtrip na badtrip nung nabalita sa Twitter na patay na siya eh. Si Jungsu pa kaya? Naaksidente na minsan si Jungsu. Muntik na siya mamatay non gaya ni Kyuhyun. Kaya kahit san mo tingnan, walang nakakatawa sa mga ikinalat kagabi.
Sa mga walang kwentang taong nagpakalat: Ang sakin lang, wag niyong gagawing biro yung buhay ng isang tao kung hindi niyo naman siya personal na kaibigan. Kung yung mga magbabarkada nga, nagkakapikunan pa pag ganyang usapin eh. Yun pa kayang alam ng lahat na malapit sa ganong posibilidad?
Sigurado, tagasunod din kayo ng KPOP. Kung hindi, hindi niyo malalaman na nasa SG ang Super Junior. Pwedeng may nagsabi sa inyo, pero siguradong may hinahangaan kayong grupo sa KPOP. Sana... Sana wag niyong mabalitaan sa mga idols niyo yon.
Nakakapundi. Ang dami niyong load at ang dami niyong oras para magkalat ng mga ganito. Wag niyo kong dadahilanan na 'trip' lang ang ginawa niyo dahil kahit anong klaseng trip yan, HINDI NAKAKATUWA. Hindi na simpleng usapin ng pagiging fangirl to. Yung mga ganyang gawain na yung magpapatunay kung may pinag-aralan ang tao o wala.
Ewan ko. Hindi ko gustong patulan, lalo pa't mas napatunayan naman nating hindi totoo. Pero sana... sana lang talaga. Tantanan niyo kami. Habambuhay nalang, SJ at ELF ang pupuntiryahin? Ganyan kayo kabitter samin?
Naknampucha naman o.
No comments:
Post a Comment
What do you think?