Ang opinyon ko sa isyu ng SiHae ay pareho lang din sa opinyon ko ngayon sa pagdating sa SS3 3D. Hindi ko alam kung sino-sino ang may pakialam at sino-sino ang magsasabing wag na lang akong makialam. Pero gusto kong magsalita.
Nakita ko ang sitwasyon at naniwala ako na magkakaroon nga tayo ng pagkakataon na makita sina Siwon at Donghae. Maniwala kayo't sa hindi, isa ako sa mga excited dahil hindi ko itatangging gusto ko pa rin silang makita... sa Pilipinas. Walang SS4 Manila, at ito yung natitira nating pag-asa.
Makapangyarihan ang mga salita at nag-uumapaw ang kahulugan. Pero ang naiwang tanong: HINDI BA TALAGA KAYANG MAGHINTAY?
Marami ng pagkakataon na nasayang ang pagod at maraming nabigo dahil kagagawan ng iilan. Hindi ako naninisi dahil hindi rin naman ako malinis. Pero naaawa lang kasi ako talaga sa mga kaibigan kong halos parang MMDA na ang trabaho dahil lagi na lang naglilinis ng kalat ng iba. Minsan, pwede na ring DPWH dahil sunod-sunod na beses na silang nagtatakip ng butas na ginawa ng mga taong..........
Nagulat ako sa sagot sa tweet na yon dahil tama rin naman ang opinyon nung sinagot. Pero pwede bang isantabi nalang ang opinyon at wag na paulanan ng tanong at sangkaterbang reklamo yung mga taong wala naman talagang pananagutan sa atin? Hindi naman kasi nila tayo responsibilidad. Kaya wag tayong maging pabigat.
Ayokong magbanggit ng pangalan dahil gusto ko pa ring sanayin nating lahat ang pag-iisip. Safety measures na rin kung sakaling may ibang hindi naman alam ang isyu.
Pero sa mga nakakaalam at alam nilang isa sila sa mga pinaparatingan ko nitong mensaheng ito, tama na muna. Praktisin natin yung pasensya at paghihintay. Hindi naman masama yon. At katulad na rin ng sinabi ko dati, wag na nating bigyan ng dahilan yung mga may kakayanan na dalhin dito ang Super Junior para umatras sa plano nila. Dahil kahit gano pa tayo kagandang market, walang silbi yon kung madali naman tayong makapikon.
No comments:
Post a Comment
What do you think?