Thursday, February 6, 2014

Gusto ko lang Mag-React :)))

Nakakatawa `yung mga nangyayari sa fandom ngayon. Wala akong kamalay-malay, hindi na pala basta fans ang nangaaway ng kapwa fans. Organizer na mismo ang nag-i-spark ng gulo among people. :))

Medyo nakakatakot kasi since dalawang most loved groups ko yung constant na nababanggit. Medyo hindi tama na mag-react since wala naman akong alam pero dahil pakelamera ko, eh eto ang mga opinyon ko. 


Sa Pilipinas, may tatlong uri po ng mga KPOP fans: 1) may trabaho, 2) walang trabaho, at 3) mga walang trabaho pero may mayayamang magulang. Being a part of this world since years ago, masasabi ko po na napakaliit po ng percentage nung #3. Karamihan po sa KPOP fans, estudyante; pero recently, medyo nagpapantay na po ang statistics ng #1 at #2. Ako po mismo, nagtatrabaho para sa luho na `to.

Ano bang gusto kong sabihin? Eto po: Sa tingin ko po kasi, nagkakagulo po dahil sa constant whining ng organizer dahil sa mga naluging productions. Hindi po ako nagpunta sa kahit ano don kasi bukod po sa wala akong pera, hindi po ako masyado nagtitiwala sa production firm na kelan kelan ko lang narinig, (well unless libre syempre. :p)

So ayun nga, maraming fans ang nag-iisip na kaya yata nagagalit itong organizer eh dahil nalugi sila sa Pilipinas. Well, it's not really something to deny since `yun naman ho yata talaga yung nangyari. Pero nakakatawa lang ho talaga kasi na kailangang isisi sa fans yung nangyari. :)

Una, business eto. Pangalawa, sino ho ba nagsabing maging kampante kayo? 

Sa pananaw po ng isang matagal na dito sa mundong `to, sobrang childish ho kasi ng sitwasyon. Una po, parang naghahanapan na ng kakampi. Ampanget na tuloy. Ayawan na lang. :))

May mga points akong nakita kung bakit sila pumalya:

Una, they viewed the PH fans like hungry caged animals. Yung tipong kung ano ihagis mo, kakainin. The thing is, hindi ganon. Siguro, some are. I can't deny that. Mga batang excited na makita yung mga idols nila. (We've been through that phase. Maswerte kung may perang ibibigay ang magulang. Pero kung wala, bahala ka.) Pero hindi ho kasi lahat ganoon. Yung iba, dinadaan sa ipon. Yung marami, nagtatrabaho. 

Oo, may mga fans po na nagtatrabaho hindi lang para sa fandom kundi para rin po sa pamilya nila. Myself, included. Dati siguro, para kaming hayok sa idols pero sa ngayon ho kasi, marami ng matalino. Mahirap po ang buhay. Marami na po ang nagpapaka-practical. 

Nung panahon po ng ticket selling para sa unang concert, marami po ang nagwawala na hindi sila makakapunta. I don't know with the other groups, pero kasi, EXO K ang usapan eh. Aminin man natin o hindi, malakas talagang pambenta yan. Pero bakit hindi pa rin po ganon kalakas?

Once again, practicality. Personally, why would I pay more than 10k for a VIP seat kung wala pa po yatang isang oras lalabas ang grupong panunuorin ko? Yung seryoso. Personal na opinyon ko po ito, which I shared with most friends I know. So please don't try to put things into my mouth and force me to believe otherwise.

Pero kung tutuusin, kaya naman gawan ng paraan yung matataas na ticket prices kung gugustuhin. One thing you all should know about fans is that we can do magic - well not literally - just to get our hands on those tickets. Marami kaming paraan, to be honest. Kaya hindi talaga issue yung ticket prices.

I think it's more of the attitude ng staff members. Excuse me for my words pero super unprofessional ng mga sagot nila. Like they kept on arguing with fans kahit hindi pa nangyayari yung concert. Being the seller, I think they should have been nicer and more humble in dealing with fans. Oo, mga bata yung nakikipag-usap sa inyo pero come to think of it, sila yung market niyo. So why treat them like assholes when you were answering your questions? That showed how complacent you were with everything. Kasi nga tingin niyo samin, hungry caged animals who will jump on every opportunity we get.

Eh kaso hindi nga ganon. 

Kaya ang ending, nalugi.

The thing is, KPOP is just like any other business. You have to test the waters first before pushing it to higher levels. Test-test din pag may time. Eh kaso ano pong nangyare? Sumabak po kayo sa malakihang events agad, backed up with experiences sa technical stuffs. Nung nag-flop, naghanap ng masisisi. Bakit ganon?

Now, andaming naglalabasan sa Facebook na nagke-claim ng mga nagawa nila. Pati the meeting for future concerts, pinapaalam na. Oo, sige, may mga nagawa ho kayo. Pero what's the use ng pagpapakilala kung ganyan naman ho ka-rude yung manner? 

And for what are all these for? Gumagawa ng away? Gumagawa ng issue? I swear I'll cut a bitch if this leads to bigger things. It's like sinisisi ang fans sa nangyaring pagkalugi, tapos biglang sa fans din naman pala babalik para kumita ulit.

I may sound like I'm trying to defend the other organizing team again. Pero I don't think it's like that. I'm merely stating the nature of KPOP fans in the Philippines and why it's not really a good idea to put the blame on us, in general. Kung tutuusin, hindi rin naman talaga perfect yung kabila. Anybody remembers what happened sa concert screenings? Ang laking issue din non. Halos magwala ang lahat because yun yung naging gauge para sa another concert na hindi nga nangyari. 

Pero look, sila pa rin yung pinagkakatiwalaan ngayon.

Why? Because aside from the fact na marami na silang napatunayan, everyone knows na they're doing this not just for business. They're doing this because they know what they're doing, and I know they eventually fell in love with the scene. They brought their first major KPOP act here for a fan (who's actually the organizer's sister) so basically, may idea sila on how fans' minds work.

I'm not saying na yung isa wala. Pero I think ang pagkakaiba nito is marunong makisama yung pinagkakatiwalaan namin. And you know, that's what matters most eh. Because at the end of the day, hindi lang business venture ang KPOP. It's a community based on trust and respect.

Yes, respect. Even in the real corporate world, respect is the key para umunlad ka. And with all these things happening around, yun yata yung hindi ko makita. :))







No comments:

Post a Comment

What do you think?